Bridge Loan (BL)

About Bridge Loan (BL)

Ang Bridge Loan ay ang pautang ng UPPF para sa lahat ng miyembro na hindi na makapag avail ng Personal Equity Loan (PEL) dahil sa mababang net take home pay. Maaring umutang hanggang P20,000 na kailangan bayaran sa loob ng isang (1) taon.

Loan Amount

Ang maximum loanable amount ay P20,000 o kung magkano ang natitirang loanable equity

Ang isang miyembro ay maaaring mag-loan muli kapag nabayaran na ng buo ang dating loan.  Anumang  natitirang balanse ay hindi maaaring ibawas  sa proceeds ng bagong loan.

Loan Period

Ang Bridge Loan(BL) ay kailangan bayaran sa loob ng isang (1) taon

Ang paraan ng pag bayad ay Direct Payment

Interest Rate

8% per annum (p.a.) for Bridge Loan

Requirements

1. BL Loan Info Slip (download below or fill out online in the Members Portal)

2.Copy of two (2) months most recent UP payslip

3. Proof of bank account showing account number where loan proceeds will be deposited (example: screenshot of account number in mobile app or online banking or photo of ATM or Statement of Account that shows the account number. For your protection, do NOT send photos that display your account balances or other personal information such as PIN or CVV number.)

4. Copy of UP Employee ID or any valid government-issued ID (driver’s license, passport, GSIS UMID, Philhealth, etc.), if applying online via the Members Portal.

Forms

BL Info Slip

Online Loan Application using the Members Portal

Mag-login sa Members Portal.

Mag-login sa ating Members Portal (o i-click ang Login button na matatagpuan sa itaas ng website). Kung hindi matandaan o hindi alam ang login credentials, kontakin ang UPPF campus cluster office kung saan ka kabilang o mag-message sa aming FB page.

Step 1.

Puntahan ang Loan Application section.

Pagka-login sa Members Portal, i-click ang “Loan Application” link sa menu at i-click ang “Apply for Loan” button. Piliin ang Bridge Loan at ilagay lahat ng hinihinging impormasyon. Tatanungin dito ang halaga na nais mong utangin at detalye ng bank account kung saan nais mong ipa-deposito ang loan proceeds.

Step 2.

I-upload ang requirements.

I-upload ang mga kailangang dokumento tulad ng valid ID, kopya ng UP payslip sa huling dalawang buwan, at kopya ng katibayan ng iyong ibinigay na bank account. Importanteng ma-input din ang valid email address dahil dito ipapadala ang loan confirmation link. Ibigay din ang iyong cellphone number upang kayo ay makontak kung sakaling may kailangan ipaalam o itanong sa inyo ang aming staff. Pindutin ang Submit button para i-submit ang loan application.

Step 3.

I-confirm ang inyong loan.

Maghintay ng 1-2 business days para sa mensahe tungkol sa status ng inyong application. Kung walang problema ang processing ng inyong application, makakatanggap kayo ng email na nagsasabing mag-login sa account para i-confirm ang loan. Importante ang step na ito para ma-confirm na tama ang bank account number at halaga ng loan proceeds na inyong matatanggap.

Para i-confirm ang loan, mag-login sa Members Portal at i-click ang “Loan Application” link. I-click ang icon na nasa dulo upang makita ang detalye ng loan application. Sa bandang ibaba, i-click ang “Agree” kung nais i-confirm ang loan at ituloy ang pag-deposito ng iyong loan proceeds. Maaari ring i-Cancel ang application kung ayaw niyo na itong ituloy.

Step 4.

Paano mag confirm ng loan?

Mag-login sa Members Portal.

Pumunta sa https://member.upprovidentfund.com/ o i-click ang Login button na matatagpuan sa itaas ng website. Kung nakalimutan o hindi alam ang login credentials, mangyaring mag-email sa UPPF o mag-message sa aming FB page.

I-click ang icon na nasa dulo upang makita ang detalye ng iyong loan application.

I-confirm ang inyong Loan.

Sa bandang ibaba, i-click ang Agree kung nais mo i-confirm ang iyong loan application. Pwede mo i-cancel kung ayaw mo ituloy ito

Step 3.

I-confirm ang inyong Loan.

Sa bandang ibaba, i-click ang Agree kung nais mo i-confirm ang iyong loan application. Pwede mo i-cancel kung ayaw mo ituloy ito

Step 3.

Frequently Asked

Questions

Upang mabigyan ng financial assistance ang mga miyembro na hindi makautang dahil sa mababang net take home pay, inaprubahan noong July 11, 2002 ng Board of Trustees na may Board Resolution No. 2002-07-04 ang Bridge Loan.

Ang mga miyembro lamang ng UP Provident Fund na:

  • in good standing o may contribution kada buwan
  • mga miyembro na hindi na qualified na mag avail ng PEL pero may natitira pa sa kanilang equity na pwedeng utangin
  • mga miyembro na may PEL at tama ang deduction ng kanilang monthly amortization
  • may monthly net take home pay na hindi hihigit sa P5,000 (maaaring mag-iba depende sa General Appropriations Act na ipinapasa sa Congress, DBM rule)

Ang maximum loanable amount ay P20,000 o kung magkano ang natitirang loanable equity

  • 2 months latest pay slip
  • proof of bank account

Ang loan amortization ay kailangan bayaran sa banko buwan-buwan upang maiwasan na magkaroon ng surcharge thru direct payment (DP) sa loob ng isang (1) taon.
UP Provident Fund Bank details kung saan maaring i-deposito ang bayad:

  • LandBank Account Name: UP Provident Fund, Inc.
  • Account No: 1462-1013-05

Maaari rin itong bayaran sa mas maikling panahon pero hindi pwede na mas matagal sa itinakdang payment term sa bawat loan amount na nabanggit.
Kailangan lang na isumite ang validated deposit slip o anumang katibayan ng inyong deposito upang mairecord ito sa iyong loan ledger.

  • 8% per annum for 1 year

Ginagamit ang effective interest method sa pag-compute ng interest. Bumababa ang interest kung lumiliit ang principal na balanse ng utang.

Ang isang miyembro ay maaaring mag-loan muli kapag nabayaran na ng buo ang dating loan. Anumang natitirang balanse ay hindi maaaring ibawas sa proceeds ng bagong loan.

Kung hindi ka nakapagbayad ng kumpletong monthly amortization o nag underpayment ka ng higit sa tatlong buwan, ituturing itong delinquent at magkakaroon ng surcharge na ½ of 1% compounded monthly, naiipon ito na dumadagdag sa principal at interest kung kayat hinihikayat ang mga miyembro na magbayad ng kumpletong amortization.

Kung umabot ng isang taon na hindi ka nakabayad o nagbayad ng hindi kumpletong amortization (underpayment), ito ay automatikong ibabawas o i-ooffset sa iyong member’s equity.

Hindi pwedeng umutang uli ng parehong loan na na-offset sa loob ng anim (6) na buwan.

Pwede, pero hindi na dapat lalagpas sa inyong equity ang inyong loanable amount. Kailangan ding siguraduhin na matatapos o maibibigay kaagad ang lahat ng requirements para sa retirement claim para maiwasan ang paglaki ng interest at surcharge kung hindi na makakabayad.

Matatanggap ang loan proceeds sa iyong bank account two (2) days after the processing cut-off for the week.
Ibig sabihin, kung ang loan application ay na-process at iyong na-confirm bago ang Monday 12 noon cut-off, makukuha ang loan proceeds on Wednesday afternoon (except holidays and non-working days).
Kung ang application ay na-process at iyong na-confirm pagkatapos ng Monday 12 noon cut-off pero bago ang Wednesday 12 noon cut-off, makukuha ang loan proceeds on Friday afternoon (except holidays and non-working days).
Lahat ng application na na-process at na-confirm after Wednesday 12 noon cut-off ay ipa-process sa susunod na linggo kasabay ng Monday 12 noon cut-off at makukuha ang loan proceeds next Wednesday afternoon.

Pwede itong ipabawas sa net proceeds ng PEL kung i-request ng miyembro.

Ang new member ay maaari nang mag apply ng loan depende sa kanyang member’s equity at net pay.

Ang mga nag withdraw naman na mga members on or after August 23, 2021 ay pwede lang mag apply ng loan makalipas ang isang taon mula ng bumalik sya bilang miyembro. (BOT Resolution 08-23-2021-3-7)

Hindi. Ang kabuuang halaga ng lahat ng utang ng isang miyembro ay di dapat sumobra sa halaga ng kaniyang total Member’s Equity.

Kada katapusan ng taon, mayroon ibinibigay na Patronage Refund na 5% ng kabuuang interest na naibayad. Ang mga miyembro na entitled dito ay mga:

  • in good standing , walang underpayment at non-payment kahit isang buwan
  • nagbayad ng di bababa sa anim (6) na buwan na kumpletong monthly amortization
has been added to the cart. View Cart