About Re-Loan
Kung ikaw ay nakabayad na ng tatlong (3) buwan ng kumpletong monthly amortization para sa Personal Equity Loan (PEL) o Co-Borrower Loan (CBL), maaari ka nang makapangutang uli at mag-apply ng re-loan, kung saan ibabawas ang balanse ng dati mong utang sa proceeds ng inyong re-loan.
Forms
PEL Loan Info Slip
CBL Loan Info Slip
CBL Loan – Non-Negotiable Promissory Note w/ Deed of Assignment
Apply for a loan today!
Loan Application process for the following loan products
Personal Equity Loan
Personal Equity Loan
Co-Borrower Loan
Co-Borrower Loan
Frequently Asked
Questions
Kapag nakabayad na ng tatlong (3) buwan na kumpletong amortization, maaari ng mag re-loan at ibabawas ang balanse ng dati mong utang sa proceeds ng bago mong loan.
Ang mga miyembrong may existing Personal Equity Loan (PEL) o Co-Borrower (CBL) na nakapagbayad na ng higit sa tatlong (3) buwan na monthly amortization ay maaaring mag-apply ng re-loan.
Maaring mag-loan ng “Same Deduction” o “Full Equity”:
- Same deduction – kung magkano ang monthly amortization ng dating loan, ganun din ang gagawing monthly deduction sa net pay para sa inyong re-loan, na maaaring bayaran ng parehong haba (same number of years) o mas mahabang loan period.
- Full equity – ang loan amount ay base sa years of service sa UP:
- With less than 2 years of service: up to 75% of Member’s Equity
- With 2 years but less than 4 years of service: up to 80% of Member’s Equity
- With 4 years but less than 6 years of service: up to 85% of Member’s Equity
- With 6 years but less than 8 years of service: up to 90% of Member’s Equity
- With 8 years but less than 10 years of service: up to 95% of Member’s Equity
- With at least 10 years of service: up to 100% of Member’s Equity
- Existing loan balance
- Interest and surcharges, if any
- Service fee of P200.00
Maaari kayong mag re-loan, kailangan lamang na bayaran through direct payment sa bank account ng UP Provident Fund ang isang (1) buwan na amortization para makumpleto ang requirement na three (3) months’ payment bago makapag re-loan.
Maaari, pero susuriin muna ng aming staff ang inyong record para tingnan kung kailangang mag-direct payment para sa kulang na bayad o kakayanin ng present deduction ang magiging loanable amount pagkatapos ibawas ang loan balance, service fee, at interest at surcharge sa bagong loan amount.
1. PEL o Personal Equity Loan – three (3) months minimum payment para makapag re-loan
2. CBL o Co-Borrower Loan – six (6) months minimum payment para makapag re-loan
Requirements for PEL re-loan:
• PEL Loan Info Slip (download below or fill out online in the UPPF Portal)
• Copy of two (2) months most recent UP payslip
• Copy of UP Employee ID or any valid government-issued ID (driver’s license, passport, GSIS UMID, Philhealth, etc.)
Requirements for CBL re-loan:
• CBL Loan Info Slip (download below or fill out online in the UPPF Portal)
• Copy of two (2) months most recent UP payslip (borrower and co-borrower)
• Copy of UP Employee ID or any valid government-issued ID (driver’s license, passport, GSIS UMID, Philhealth, etc.).
Pwede itong ipabawas sa net proceeds kung i-request ng miyembro.
Pwede, pero hindi na full equity ang inyong loanable amount. Kung magre-reloan, pinapayagan na magre-loan ng parehong amount ng huling na-loan na amount. Kailangan ding siguraduhin na matatapos o maibibigay kaagad ang lahat ng requirements para sa retirement claim para maiwasan ang paglaki ng interest at surcharge kung hindi na makakabayad gamit ang net pay.
Kung umabot ng isang taon na hindi ka nakabayad o nagbayad ng hindi kumpletong amortization (underpayment), ito ay automatikong ibabawas o i-ooffset sa iyong member’s equity.
1. Mag-login at i-submit ang inyong loan application sa UPPF Portal para sa mas mabilis at convenient na paraan.
2. Bumisita sa opisina ng UP Provident Fund sa inyong campus at dalhin ang kumpletong requirements. Malugod kayong ia-assist ng aming Account Officers para sa inyong loan application.
