Ngayong buwan ng Mayo, may dagdag-saya ang pag-a-avail ng loan sa Provident Fund! Lahat ng miyembrong nag-avail ng anumang loan product at na-release ang loan proceeds ngayong Mayo 2025 ay may chance manalo ng ₱1,000 at ₱5,000 cash!

Promo Mechanics

1. Promo Period

Lahat ng miyembro ng UP Provident Fund (UPPF) na nag-apply ng kahit anong loan product at na-release ang loan proceeds mula May 1 hangang May 30, 2025 ay maaaring manalo sa ating raffle.

2. Raffle Entries

Basta mag-avail at ma-approve ang inyong loan sa promo period, kasali ka na agad sa raffle! Walang kailangang i-submit dahil automatic at system-generated na ang raffle entries.

Bawat isang approved loan, anuman ang loan amount, ay may katumbas na 1 raffle entry. Halimbawa, kung nag-apply ka at na-approve ang iyong Personal Equity Loan (PEL) sa promo period, mayroon kang isang raffle entry. Kung nag-avail ka naman ng PEL, Bridge Loan (BL), at Balance Transfer Loan (BTL) sa loob ng promo period, magkakaroon ka ng 3 raffle entries.

3. Prizes

Sa ating Weekly Draw, isang miyembro mula sa bawat isang campus cluster ng UPPF ang mananalo ng ₱1,000 cash! (Total of 4 winners kada linggo.)

Sa Grand Raffle, apat (4) na winners ang pipiliin—isa mula sa bawat campus cluster—at bawat isa ay mananalo ng ₱5,000 cash!

Ang winners ng Weekly Draw at Grand Raffle ay manggagaling sa bawat isang campus cluster ng UPPF:

  • Cluster 1: UP Diliman, UP Baguio, at System Administration
  • Cluster 2: UP Los Baños (UPLB) at UP Open University
  • Cluster 3: UP Manila at Philippine General Hospital (PGH)
  • Cluster 4: UP Cebu, UP Visayas, at UP Mindanao

Note: Isang beses lang pwedeng manalo ang isang miyembro.

Loan Proceeds Release DateRaffle Draw Date and Announcement of WinnersPrizes
Weekly Draw #1May 1-9, 2025May 14, 20254 winners of ₱1,000 cash each
Weekly Draw #2May 12-16, 2025May 21, 20254 winners of ₱1,000 cash each
Weekly Draw #3May 19-23, 2025May 28, 20254 winners of ₱1,000 cash each
Weekly Draw #4May 26-30, 2025June 4, 20254 winners of ₱1,000 cash each
Grand RaffleMay 1-30, 2025June 4, 20254 winners of ₱5,000 cash each

4. Raffle Draw and Announcement of Winners

Ang winners ay pipiliin gamit ang online randon name picker at i-announce sa official Facebook page ng UP Provident Fund.

Ang mga nanalo ay makakatanggap ng abiso mula sa isang authorized representative ng UPPF gamit ang rehistradong email address o contact number ng miyembro.

Babala: Hinding-hindi hihingi ng pera, login password, o anumang sensitibong impormasyon ang aming opisyal na representative para makuha ninyo ang inyong premyo. Maging mapanuri sa mga kahina-hinalang mensahe o tawag.

5. General Terms and Conditions

Ang cash prize ay hindi transferable at hindi pwedeng palitan ng ibang item o serbisyo.

Ang desisyon ng UP Provident Fund ay ituturing na pinal sakaling magkaroon ng anumang dispute o concern kaugnay ng promo.

Ang pagsali sa promo ay nangangahulugan ng pagkilala at buong pagsang-ayon sa mga itinakdang mechanics at alituntunin ng promo.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa aming opisina gamit ang aming Contact Details.